Levitico 26:1
“Dapat huwag kayong gumawa ng mga rebulto, ni hindi kayo magtatayo ng mga nililok na mga larawan o isang sagradong batong haligi at dapat huwag kayong maglagay sa inyong lupain ng anumang hinulma na imaheng bato na inyong yuyukudan, sapagkat ako si Yahweh na inyong Dios.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 20:23Huwag kang gagawa para sa sarili mo ng anumang mga diyos kasama ko, mga diyos ng pilak o diyos ng ginto.
Exodus 34:17Huwag kayong gumawa ng mga diyus-diyosan para sa inyong sarili na gawa sa tinunaw na metal.
Leviticus 19:4Huwag ng bumaling sa mga walang kuwentang diyus-diyosan, ni gumawa ng diyus-diyosan na gawa sa metal para sa inyong sarili. Ako si Yahweh na inyong Diyos.
Deuteronomy 4:16Mag-ingat na huwag pasamain ang inyong mga sarili at gumawa ng isang inukit na anyo na kahawig ng anumang nilalang, na anyo ng isang lalaki o isang babae,
Deuteronomy 16:21Dapat hindi kayo magtayo para sa iyong mga sarili ng isang Asera, anumang uri ng baras, katabi ng altar ni Yahweh na inyong Diyos na inyong gagawin para sa inyong sarili.
Judges 18:30Inilagay ng bayan ng Dan ang inukit na anyo para sa kanilang sarili. At si Jonatan, anak ni Gersom, anak ni Moises, siya at ang kaniyang mga anak na lalaki ay mga pari sa mga lipi ng Daneo hanggang sa araw ng pagbihag sa lupain.