Leviticus 27:3
Ang inyong pamantayang halaga para sa isang lalaki mula dalawampu hanggang animnapung taong gulang ay dapat limampung siklo ng pilak, batay sa siklo ng santuwaryo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
4Ang inyong pamantayang halaga para sa isang babae sa parehong gulang ay dapat tatlumpung siklo.
Cross References
Exodus 30:13Ang bawat isa na nabilang sa talaan ay magbabayad ng kalahating pilak na sekel, ayon sa timbang ng sekel ng santuwaryo (isang sekel ay kapareho ng dalawampung gera). Itong kalahating sekel ay magiging alay sa akin, si Yahweh.
Leviticus 5:15“Kung sinuman ay lumabag sa isang utos at nagkasala laban sa mga bagay na pagmamay-ari ni Yahweh, ngunit nagawa nang hindi sinasadya, kung gayon dapat dalhin niya kay Yahweh ang kaniyang handog na pambayad kasalanan. Dapat isang lalaking tupa na walang dungis mula sa kawan ang handog na ito; dapat tasahin ang halaga nito sa pilak na sekel—ang sekel ng santuwaryo—bilang handog na pambayad sa kasalanan.
Leviticus 27:14Kung ninanais ng isang tao na ilaan ang kaniyang bahay para ibukod para kay Yahweh, sa gayon tatantiyahin ng pari ang halaga nito. Anuman ang ibibigay na halaga ng pari dito, iyon ang magiging halaga nito.
Numbers 3:47Dapat mong gamitin ang siklo ng santuwaryo bilang iyong pamantayang timbang. Ang siklo ay katumbas ng dalawampung gera.
2 Kings 12:4Sinabi ni Joas sa mga pari, “Lahat ng salapi para sa mga kagamitan na nabibilang kay Yahweh at ang mga dinala sa tahanan ni Yahweh, ang buwis na naitala, at lahat ng salapi na ibinigay para sa templo ng mga taong inudyukan ni Yahweh na magbigay—