Leviticus 4:19
Aalisin niya ang lahat ng taba mula rito at susunugin ito sa altar.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
And he shall take all his fat from him, and burn it upon the altar.
In Context
Cross References
Leviticus 4:8Aalisin niya ang lahat ng taba sa torong panghandog para sa kasalanan; ang tabang bumabalot sa mga lamang loob, lahat ng tabang nakadikit sa mga panloob na bahagi,
Leviticus 4:31Aalisin niya ang lahat ng taba, gaya ng pag-alis ng taba mula sa alay ng mga handog para sa kapayapaan. Susunugin ito ng pari sa altar upang magdulot ng isang matamis na samyo para kay Yahweh. Gagawa ang pari ng kabayaran ng kasalanan para sa tao, at papatawarin siya.
Leviticus 5:6Pagkatapos dapat niyang dalhin kay Yahweh ang kaniyang handog na pambayad sa kasalanan para sa kasalanang nagawa niya, isang babaeng hayop mula sa kawan, alinman sa isang tupa o isang kambing, para sa isang handog para sa kasalanan, at gagawa ang pari para sa ikapapatawad niya ukol sa kaniyang kasalanan.
Leviticus 12:8Kung siya ay walang kakayahang bumili ng isang tupa, kung gayon dapat siyang kumuha ng dalawang kalapati o dalawang batang batu-bato, isa bilang isang handog na susunugin at ang iba bilang isang handog para sa kasalanan, at ang pari gagawa ng pambayad ng kasalanan para sa kaniya; pagkatapos magiging malinis siya.'”
Numbers 15:25Dapat gumawa ang pari ng pagbabayad ng kasalanan para sa lahat ng sambayanan ng Israel. Patatawarin sila dahil ang kasalanan ay isang pagkakamali. Dinala nila ang kanilang alay, ang isang handog para sa akin na pinaraan sa apoy. Dinala nila ang kanilang handog para sa kasalanan sa aking harapan para sa kanilang pagkakamali.
Hebrews 1:3Ang kaniyang Anak ang ningning ng kaniyang kaluwalhatian, ang totoong katangian ng kaniyang diwa, at pinapanatili niya ang lahat sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan. Pagkatapos niyang nakamit ang paglilinis ng mga kasalanan, umupo siya sa kanang kamay ng kataas-taasang kamahalan.