Leviticus 4:21
Bubuhatin niya ang toro sa labas ng kampo at susunugin ito gaya ng pagsunog niya sa unang toro. Ito ang handog para sa kasalanan para sa kapulungan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 4:11Ang balat ng toro at anumang natirang laman, kasama ang ulo at ang mga binti at ang mga panloob na bahagi at ang dumi nito,
Leviticus 6:23Lubusang susunugin ng pari ang bawat handog na pagkaing butil. Hindi ito dapat kainin.”
Leviticus 16:15Pagkatapos ay dapat niyang patayin ang kambing para sa handog para sa kasalanan na para sa mga tao at dalhin ang dugo nito sa loob ng kurtina. Doon dapat niyang gawin sa dugo katulad ng ginawa niya sa dugo ng toro: dapat niya itong iwisik sa takip ng luklukan ng awa at sa harapan ng takip ng luklukan ng awa.
Leviticus 16:27Ang toro para sa handog sa kasalanan at ang kambing para sa handog ng kasalanan, na ang dugo nito ay dinala sa loob para gawing pambayad kasalanan sa banal na lugar, ay dapat dalhin sa labas ng kampo. Doon kailangan nilang sunugin ang kanilang mga balat, laman, at dumi nito.
Ezra 8:35Ang mga bumalik mula sa pagkakabihag, ang mga tao sa pagkakatapon ay nag-alay sila ng mga handog na susunugin para sa Diyos ng Israel: labindalawang toro para sa buong Israel, siyamnapu't anim na tupang lalaki, pitumpu't pitong batang tupa, at labindalawang lalaking kambing bilang handog sa kasalanan. Lahat ay handog na susunugin para kay Yahweh.
Matthew 20:28Katulad ng Anak ng Tao hindi siya naparito upang paglingkuran, kundi upang maglingkod, at upang ibigay ang kaniyang buhay bilang pangtubos sa marami.