Leviticus 4:7
At ilalagay ng pari ang kaunting dugo sa mga sungay ng altar ng mabangong insenso sa harapan ni Yahweh, na nasa tolda ng pagpupulong, at ibubuhos niya ang lahat ng natirang dugo ng toro sa paanan ng altar para sa mga handog na susunugin, na nasa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 29:12Dapat mong kunin ang ilang dugo ng toro at ilagay mo ito sa sungay ng altar gamit ang iyong daliri, at dapat mong ibuhos ang natirang dugo sa paanan ng altar.
Exodus 30:10Dapat si Aaron ay gumawa ng luklukan ng awa sa mga sungay ng altar ng insenso minsan sa isang taon. Dapat niyang gawin ito gamit ang dugo ng handog para sa pagbayad ng kasalanan. Ang punong pari ang siyang dapat na gumawa nito sa buong salinlahi ng inyong lahi. Ang pag-aalay na ito ay ganap na ilaan sa akin, si Yahweh.”
Leviticus 4:18Maglalagay siya ng kaunting dugo sa mga sungay ng altar na nasa harapan ni Yahweh, na nasa tolda ng pagpupulong, at ibubuhos niya ang lahat ng dugo sa paanan ng altar para sa mga handog na susunugin, na nasa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
Leviticus 4:34Kukuha ang pari ng kaunting dugo sa handog para sa kasalanan gamit ang kaniyang daliri at ilalagay ito sa mga sungay ng altar bilang mga handog na susunugin, at ibubuhos niya ang lahat ng dugo nito sa paanan ng altar.
Leviticus 8:15Pinatay niya ito, at kinuha niya ang dugo at inilagay niya ito sa mga sungay ng altar gamit ang kaniyang daliri, nilinisan ang altar, binuhusan ng dugo ang patungan ng altar, at ibinukod ito para sa Diyos para sa kabayaran ng kasalanan para dito.
Leviticus 16:18Dapat siyang lumabas sa altar na nasa harapan ni Yahweh at gawin ang pambayad kasalanan para dito, at dapat siyang kumuha ng kaunting dugo ng toro at kaunting dugo ng kambing at ilagay ito sa mga sungay ng altar sa lahat ng palibot.