Leviticus 5:4
O kung sinuman ay sumumpa nang padalus-dalos sa pamamagitan ng kaniyang mga labi upang gumawa ng masama, o gumawa ng mabuti, anumang sumpa ang binitiwan ng isang tao nang padalus-dalos ng may isang panunumpa, kahit na hindi niya alam ito, kapag nalaman niya ang tungkol dito, kung gayon ay magkakasala siya, sa anumang mga bagay na ito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 27:2“Magsalita ka sa mga tao ng Israel at sabihin sa kanila, 'Kapag gagawa ang isang tao ng isang natatanging panata na nangangailangang gumamit siya ng isang pamantayang halaga ng isang tao na ilalaan niya kay Yahweh, gamitin ang sumusunod na mga halaga.
Numbers 30:8Subalit kung pipigilan siya ng kaniyang asawa sa araw na narinig niya ang tungkol dito, at pinapawalang bisa niya ang panatang ginawa niya, ang mapangahas na pananalita ng kaniyang labi kung saan ibinigkis niya sa kaniyang sarili. Palalayain siya ni Yahweh.
Joshua 9:15Gumawa ng kapayapaan si Josue sa kanila at gumawa ng isang taimtim na pangakong pinagtibay ng dugo, para hayaan silang mabuhay. Gumawa rin ng isang panata ang mga pinuno ng mga tao sa kanila.
Judges 11:31at kung anuman ang lumabas sa mga pintuan ng aking bahay para salubungin ako kapag bumalik ako ng mapayapa mula sa bayan ng Ammon na pag-aari ni Yahweh, at ihahandog ko ito bilang isang sinunog na handog.”
Judges 21:18Hindi namin sila mabibigyan ng mga asawa mula sa aming mga anak na babae. Dahil gumawa ng isang pangako ang tao ng Israel, 'Sumpain ang sinumang magbigay ng asawa sa lipi ng Benjamin.”'
1 Samuel 14:24Sa araw na iyon ang kalalakihan ng Israel ay nabalisa dahil inilagay ni Saul ang mga tao sa ilalim ng isang panunumpa at sinabi, “Susumpain ang taong kakain ng anumang pagkain hanggang gabi at naipaghiganti ako sa aking mga kaaway.” Kaya wala sa mga hukbo ang tumikim ng pagkain.