Leviticus 6:11
Huhubarin niya ang kaniyang mga damit at isusuot ang ibang mga damit para dalhin ang mga abo sa labas ng kampo patungo sa isang lugar na malinis.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 4:12ang lahat ng natirang bahagi ng toro—bibitbitin niya ang lahat ng bahaging ito sa labas ng kampo sa isang lugar na nilinis nila para sa akin, kung saan nila binubuhos ang mga abo; susunugin nila ang mga bahaging iyon doon sa kahoy. Dapat nilang sunugin ang mga bahaging iyon kung saan nila binubuhos ang mga abo.
Leviticus 6:20“Ito ang handog ni Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki, na kanilang ihahandog kay Yahweh sa araw na kung kailan papahiran ng langis ang bawat anak na lalaki: isang ikasampung bahagi ng isang ephah ng pinong harina bilang isang karaniwang handog na pagkaing butil, kalahati nito sa umaga at kalahati nito sa gabi.
Leviticus 7:6Bawat lalaki na kabilang sa mga pari ay maaaring kumain ng bahagi ng handog na ito. Dapat kainin ito sa isang banal na lugar dahil pinakabanal ito.
Leviticus 16:23Pagkatapos ay dapat bumalik si Aaron sa tolda ng pagpupulong at hubarin ang linong mga damit na kanyang isinuot bago pumunta sa pinaka banal na lugar, at kailangan niyang iwanan ang mga damit na iyon doon.
Leviticus 24:9Ang pag-aalay na ito ay para kay Aaron at ng kanyang mga anak na lalaki. Dapat nilang kainin ito sa isang lugar na banal, dahil ganap na inilaan ito sa kanya, yamang kinuha ito mula sa mga alay para kay Yahweh na gawa sa apoy.”
Hebrews 13:11Sapagkat ang dugo ng mga hayop, na inialay para sa ating mga kaslanan, ay dadalhin ng pinaka-punong pari sa banal na lugar, ngunit ang kanilang katawan ay susunugin sa labas ng kampo