Levitico 6:14
Ito ang batas ng handog na pagkaing butil. Ihahandog ito ng mga anak na lalaki ni Aaron sa harap ni Yahweh sa harapan ng altar.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
13Dapat patuloy na panatilihing umaapoy ang apoy sa ibabaw ng altar. Hindi ito dapat mamatay.
Cross References
Leviticus 1:9Pero dapat niyang hugasan ng tubig ang mga lamang-loob at ang mga binti nito. Pagkatapos susunugin ng pari ang lahat ng bagay sa altar bilang isang handog na susunugin. Magbibigay ito sa akin ng mabangong halimuyak; magiging isang handog ito na ginawa sa akin sa pamamagitan ng apoy.
Leviticus 1:17Dapat niyang biyakin ito hawak ang mga pakpak, pero hindi niya ito dapat hatiin sa dalawang bahagi. Pagkatapos susunugin ito ng pari sa altar, sa kahoy na nasa apoy. Magiging isang handog na susunugin ito, at magbibigay ito ng mabangong halimuyak para kay Yahweh; magiging isang handog ito na ginawa sa kanya sa pamamagitan ng apoy.
Numbers 15:4dapat maghandog kay Yahweh ang isang taong nagdadala ng alay ng isang handog na butil ng ikasampu na epa ng pinong harinang hinaluan ng ikaapat na hin ng langis.
Numbers 15:9sa gayon dapat kayong maghandog kasama ng toro ang isang handog na butil ng tatlong ikasampu ng isang epa ng pinong harinang hinaluan ng kalahating hin ng langis.
John 6:32Pagkatapos, sumagot si Jesus sa kanila, “Tunay nga, hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay mula sa langit, ngunit ang aking Ama ang nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay mula sa langit.