Levitico 6:26
Kakainin ito ng pari na naghandog nito para sa kasalanan. Dapat ito kainin sa isang banal na lugar sa patyo ng tolda ng pagpupulong.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 27:9Dapat kang gumawa ng isang patyo para sa tabernakulo. Dapat may mga nakasabit sa bahaging timog ng patyo, mga nakasabit na pinong pinulupot na lino na isang daang kubit ang haba.
Exodus 40:33Iniayos ni Moises ang patyo sa paligid ng tabernakulo at ng altar. Iniayos niya ang kurtina sa pasukan ng patyo. Sa paraang ito, tinapos ni Moises ang mga gawa.
Leviticus 10:17“Bakit hindi ninyo kinain ang handog para sa kasalanan sa lugar ng tabernakulo, yamang ito ang pinakabanal, at ibinigay ito ni Yahweh para maalis ang kasalanan ng buong kapulungan, na maging kabayaran para sa kanilang kasalanan sa kaniyang harapan?
Ezekiel 42:13Pagkatapos, sinabi sa akin ng lalaki, “Ang timog at hilagang mga silid na nasa harap ng panlabas na patyo ay mga banal na silid kung saan maaaring kainin ng mga paring nagtatrabaho na pinakamalapit kay Yahweh ang pinakabanal na pagkain. Ilalagay nila doon ang mga pinakabanal na bagay, ang handog na pagkain, ang handog para sa kasalanan at ang alay para sa pagkakasala, sapagkat ito ay banal na lugar.
Ezekiel 46:20Sinabi niya sa akin, “Ito ang lugar kung saan dapat pakuluan ng mga pari ang handog sa pagkakasala, ang handog dahil sa kasalanan at kung saan nila dapat lutuin ang handog na butil. Hindi nila dapat ilabas ang mga ito sa panlabas na patyo upang ilaan ang mga tao kay Yahweh.”