Leviticus 6:4
kung gayon, mangyayari na kung nagkasala siya at may kasalanan, na dapat niyang ibalik anuman ang kaniyang kinuha sa pamamagitan ng pagnanakaw o pang-aapi o pagkuha ng kung ano ang ipinagkatiwala sa kaniya o ang nawalang bagay na nakita niya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 4:12ang lahat ng natirang bahagi ng toro—bibitbitin niya ang lahat ng bahaging ito sa labas ng kampo sa isang lugar na nilinis nila para sa akin, kung saan nila binubuhos ang mga abo; susunugin nila ang mga bahaging iyon doon sa kahoy. Dapat nilang sunugin ang mga bahaging iyon kung saan nila binubuhos ang mga abo.
Leviticus 5:3O kung makakahawak siya ng karumihan ng isang tao, kung anumang karumihang iyon, at kung hindi niya alam ito, sa gayon magkakasala siya kapag nalaman niya ang tungkol dito.
Job 20:19Dahil inapi niya at pinabayaan ang mga dukha; sapilitan niyang inagaw ang mga bahay na hindi niya itinayo.
Isaiah 59:6Ang kanilang mga sapot ay hindi maaaring magamit para sa mga kasuotan, ni maaaring takpan nila ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng kanilang mga gawain. Ang kanilang mga gawa ay mga gawa ng kasalanan, at ang mga gawain ng karahasan ay nasa kanilang mga kamay.
Ezekiel 18:12kung inaapi niya ang mahirap at nangangailangan, kung sumasamsam siya at nagnanakaw at hindi ibinabalik ang sangla, kung itinataas niya ang kaniyang mga mata sa mga diyos-diyusan o gumagawa ng mga kasuklam-suklam na gawain;
Ezekiel 44:19Kapag lumabas sila sa panlabas na patyo upang pumunta sa mga tao, kailangan nilang hubarin ang damit na isinuot nila nang maglingkod sila; dapat nilang hubarin ang mga ito at ilagay sa isang banal na silid, upang hindi nila gawing banal ang ibang mga tao sa pamamagitan ng pagsagi sa kanilang natatanging kasuotan.