Leviticus 6:7
Para sa kaniya ay gagawa ang pari ng isang pambayad para sa kasalanan sa harap ni Yahweh, at patatawarin siya ukol sa anumang kasalanang ginawa niya.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
8Pagkatapos nagsalita si Yahweh kay Moises, na nagsasabing,
Cross References
Exodus 34:7pinananatili ang katapatan ng tipan para sa libu-libong mga salinlahi, nagpapatawad sa mga kasamaan, mga pagsuway at mga pagkakasala. Pero gagawin niyang walang kasalanan ang nagkasala. Magdadala siya ng parusa sa kasalanan ng ama sa kanilang mga anak at anak ng kanilang mga anak, hanggang sa pangatlo at pang-apat na salinlahi.”
Leviticus 4:20Ganyan ang dapat niyang gawin sa toro. Gaya ng kaniyang ginawa sa torong handog para sa kasalanan, gayon din ang kaniyang gagawin sa torong ito, at gagawa ang pari ng pambayad ng kasalanan para sa mga tao, at papatawarin sila.
Leviticus 4:31Aalisin niya ang lahat ng taba, gaya ng pag-alis ng taba mula sa alay ng mga handog para sa kapayapaan. Susunugin ito ng pari sa altar upang magdulot ng isang matamis na samyo para kay Yahweh. Gagawa ang pari ng kabayaran ng kasalanan para sa tao, at papatawarin siya.
Leviticus 5:13Gagawa ang pari sa ikapapatawad ng anumang kasalanan na nagawa ng tao, at ang taong iyon ay patatawarin. Magiging pag-aari ng pari ang mga natira mula sa handog, gaya din ng handog na butil.”'
Leviticus 5:18Dapat niyang dalhin ang isang lalaking tupa na walang kapintasan mula sa kawan, katumbas ng kasalukuyang halaga, bilang isang handog na pambayad sa kasalanan sa pari. Pagkatapos gagawa ang pari ng pambayad sa kasalanan para sa kanya ukol sa kanyang nagawang kasalanan, na kung saan hindi niya alam, at siya ay papatawarin.
Ezekiel 18:21Ngunit kung ang taong makasalanan ay tatalikod sa lahat ng kaniyang mga ginawang kasalanan, at iingatan ang aking mga kautusan at isasagawa ang katarungan at katuwiran, tiyak na mabubuhay siya at hindi mamamatay.