Leviticus 7:5
Dapat sunugin ng pari ang mga bahagi sa altar bilang isang handog na sinunog sa apoy para kay Yahweh. Ito ang handog na pambayad para sa kasalanan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 1:13subalit dapat niyang hugasan ng tubig ang mga lamang-loob at ang mga binti. Pagkatapos ihahandog ng pari ang kabuuan, at susunugin ito sa altar. Ito ay isang handog na susunugin, at magbibigay ito ng mabangong halimuyak para kay Yahweh; isang handog ito na ginawa sa kanya sa pamamagitan ng apoy.
Leviticus 2:9Pagkatapos kukuha ang pari ng ilan mula sa butil na handog upang alalahaning may pagpapasalamat ang tungkol sa kabutihan ni Yahweh, at susunugin niya ito sa altar. Magiging isang handog ito sa pamamagitan ng apoy, at magbibigay ito ng mabangong halimuyak para kay Yahweh.
Leviticus 3:3Iaalay ng lalaki ang handog kay Yahweh na isang alay para sa pagtitipon-tipon sa pamamagitan ng apoy. Ang tabang bumabalot o nakadikit sa lamang-loob,
Galatians 2:20Naipako na ako sa krus kasama ni Cristo. Hindi na ako ang nabubuhay, ngunit si Cristo na ang nabubuhay sa akin, at ang buhay ngayon na aking ikinabubuhay sa laman, ay ikinabubuhay ko sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Diyos, na nagmamahal sa akin at nagbigay ng kaniyang sarili para sa akin.
1 Peter 4:1Kaya nga, dahil si Cristo ay naghirap sa laman, armasan ninyo ang inyong mga sarili ng kaparehas na hangarin. Sinuman ang naghirap sa laman ay tumigil na sa kasalanan.