Leviticus 8:21
Hinugasan niya ang laman loob at ang mga binti sa pamamagitan ng tubig, at kaniyang sinunog ang isang buong lalaking tupa sa ibabaw ng altar. Ito ay isang handog na susunugin at naglalabas ng mabangong halimuyak, isang paghahandog na gawa sa pamamagitan ng apoy para kay Yahweh inutos ni Yahweh kay Moises.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
20Hiniwa niya ang lalaking tupa nang pira-piraso at sinunog ang ulo at ang mga piraso at ang taba.
Cross References
Genesis 8:21Naamoy ni Yahweh ang kaaya-ayang halimuyak at sinabi niya sa kanyang puso, “Hindi ko na muling susumpain ang lupa dahil sa sangkatauhan, kahit na ang ninanais ng kanilang mga puso ay masama mula sa pagkabata. Ni muli kong wawasakin ang lahat ng may buhay, tulad nang ginawa ko.
Exodus 40:16Ito ang ginawa ni Moises; sumunod siya sa lahat ng iniutos ni Yahweh. Ginawa niya ang lahat ng mga ito.
Leviticus 1:13subalit dapat niyang hugasan ng tubig ang mga lamang-loob at ang mga binti. Pagkatapos ihahandog ng pari ang kabuuan, at susunugin ito sa altar. Ito ay isang handog na susunugin, at magbibigay ito ng mabangong halimuyak para kay Yahweh; isang handog ito na ginawa sa kanya sa pamamagitan ng apoy.
Leviticus 2:9Pagkatapos kukuha ang pari ng ilan mula sa butil na handog upang alalahaning may pagpapasalamat ang tungkol sa kabutihan ni Yahweh, at susunugin niya ito sa altar. Magiging isang handog ito sa pamamagitan ng apoy, at magbibigay ito ng mabangong halimuyak para kay Yahweh.
Leviticus 8:13Dinala ni Moises ang mga anak na lalaki ni Aaron at binihisan sila ng mga tunika; itinali niya ang mga kabitan sa palibot ng kanilang mga baywang at ibinalot ng lino na damit sa palibot ng kanilang mga ulo, ayon sa ipinag-utos ni Yahweh sa kaniya.