Luke 1:28
Siya ay lumapit sa kaniya at sinabi, “Binabati kita, ikaw ay lubos na pinagpala! Ang Panginoon ay nasa iyo.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 6:12Ang anghel ni Yahweh ay nagpakita sa kaniya at sinabi sa kaniya, “Si Yahweh ay kasama mo, ikaw na malakas na mandirigma!”
Isaiah 43:5Huwag kang matakot, dahil ako ay kasama mo; aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silangan, at titipunin kayo mula sa kanluran;
Daniel 9:21habang ako ay nananalangin, ang lalaking si Gabriel, na nakita ko sa unang pangitain ay mabilis na lumipad pababa sa akin, sa panahon ng pag-aalay sa gabi.
Hosea 14:2Magpahayag kayo ng mga salita ng pagsisisi at manumbalik kay Yahweh. Sabihin ninyo sa kaniya, “Tanggalin mo ang lahat ng aming mga kasamaan at tanggapin mo kami sa pamamagitan ng iyong habag, upang makapaghandog kami sa iyo ng aming papuri, ang bunga ng aming mga labi.
Luke 1:30Sinabi ng anghel sa kaniya, “Huwag kang matakot, Maria, dahil ikaw ay nakatanggap ng biyaya sa Diyos.”
Luke 11:27Nangyari na, habang sinasabi niya ang mga bagay na ito, may isang babae na sumigaw sa gitna ng napakaraming tao at nagsabi sa kaniya, “Pinagpala ang sinapupunan na nagsilang sa iyo at ang nagpasuso sa iyo.”