Luke 1:74
Siya ay nangako na kaniyang tutuparin sa atin, upang tayo, bilang mga pinalaya mula sa kamay ng lahat ng ating mga kaaway, ay makapaglingkod sa kaniya nang walang takot,
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
73ang pangako na kaniyang sinalita kay Abraham na ating ama.
75sa kabanalan at katuwiran sa kaniyang harapan sa lahat ng ating panahon.
Cross References
2 Kings 17:39Pero si Yahweh inyong Diyos ay siyang ninyong pararangalan. Siya ang magliligtas sa iyo mula sa kapangyarihan ng inyong mga kaaway.''
Isaiah 45:17Pero ang Israel ay ililigtas ni Yahweh nang walang hanggang kaligtasan; kayo ay hindi na muli mapapahiya.
Isaiah 65:21Magtatayo sila ng mga bahay at titirahan ang mga ito, magtatanim sila sa mga ubasan at kakainin ang mga bunga nito.
Ezekiel 39:28At makikilala nila na ako si Yahweh na kanilang Diyos, sapagkat pinabihag ko sila sa mga bansa, gayunpaman, tinipon ko silang muli pabalik sa kanilang lupain. Wala akong iniwan ni isa man sa kanila sa mga bansa.
Zechariah 9:8Sinasabi ni Yahweh, ''Magtatayo ako ng kampo sa palibot ng aking lupain laban sa mga hukbo ng kaaway kaya walang sinuman ang makadadaan o makakabalik, sapagkat walang mapang-api ang makadadaan dito kailanman. Sapagkat ngayon, babantayan ko na ang aking lupain sa pamamagitan ng aking sariling mga mata!
Romans 6:22Ngunit ngayon na kayo ay pinalaya mula sa kasalanan at alipin na ng Diyos, nasa inyo ang inyong bunga para sa ikababanal. Ang kahihinatnan ay buhay na walang hanggan.