Luke 10:1
Ngayon, pagkatapos ng mga bagay na ito, ang Panginoon ay naghirang ng pitumpung iba pa, at isinugo sila nang dalawahan para mauna sa kaniya sa bawat lungsod at lugar na ninanais niyang puntahan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 11:16Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Dalhin mo sa akin ang pitumpung nakakatanda ng Israel. Tiyaking sila ang mga nakakatanda at mga opisyal ng mga tao. Dalhin mo sila sa tolda ng pagpupulong upang tumayo roong kasama mo.
Matthew 10:1Tinawag ni Jesus ang kaniyang labindalawang alagad nang magkakasama at binigyan sila ng kapangyarihan laban sa mga masasamang espiritu, upang palayasin ang mga ito, at upang pagalingin ang lahat ng uri ng karamdaman at lahat ng uri ng sakit.
Luke 1:17Mauuna siya sa Panginoon, taglay ang espiritu at kapangyarihan ni Elias. Gagawin niya ito upang mapanumbalik ang puso ng mga ama sa mga anak, upang ang mga hindi sumusunod ay mamuhay sa karunungan ng mga matuwid. Gagawin niya ito upang ihanda para sa Panginoon, ang mga taong inihanda na para sa kaniya.”
Luke 3:4Gaya ito ng nasusulat sa libro ng mga salita ni propeta Isaias, “Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, 'Ihanda ang daraanan ng Panginoon, gawing tuwid ang kaniyang landas.
Luke 9:1Tinawag niya ang Labindalawa at binigyan sila ng kapangyarihan at karapatan laban sa lahat ng mga demonyo at upang magpagaling ng mga sakit.
Acts 13:2Habang sumasamba at nag-aayuno sila sa Diyos, sinabi ng Banal na Espiritu, “Ihiwalay ninyo para sa akin sina Bernabe at Saul, upang gawin ang gawain kung saan ko sila tinawag.”