Lucas 10:15
Ikaw, Capernaum, naiisip mo ba na ikaw ay itataas sa langit? Hindi, kayo ay ibababa sa Hades.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
And thou, Capernaum, which art exalted to heaven, shalt be thrust down to hell.
In Context
14Ngunit mapagtitiisan pa ang Tiro at Sidon sa panahon ng paghuhukom kaysa sa inyo.
Cross References
Deuteronomy 1:28Saan tayo maaaring pumunta ngayon? Pinanghinaan tayo ng loob ng ating mga kapatid, na nagsasabing, 'Ang mga taong iyon ay malalaki at matataas kaysa sa atin; ang kanilang mga lungsod ay malaki at pinagtibay hanggang kalangitan; higit pa rito, nakita natin doon ang mga anak na lalaki ng Anakim.'
Isaiah 14:13Sabi mo sa iyong puso, 'Aakyat ako sa langit, itataas ko ang aking trono sa taas ng mga bituin ng Diyos, at uupo ako sa bundok ng kapulungan, sa malayong bahagi ng hilaga.
Ezekiel 26:20pagkatapos ay ibababa kita sa mga tao ng sinaunang panahon tulad ng iba na bumaba sa hukay; dahil gagawin kitang naninirahan sa pinakamababang bahagi ng lupa gaya ng mga nasira noong sinaunang panahon. Dahil dito hindi ka na makakabalik sa lupain kung saan nabubuhay ang mga tao.
Ezekiel 31:18Alin sa mga punongkahoy sa Eden ang papantay sa iyong kaluwalhatian at kadakilaan? Sapagkat dadalhin ka pababa kasama ng mga punongkahoy ng Eden sa mga pinakamababang bahagi ng mundo kasama ng mga taong hindi tuli; mamumuhay ka kasama ng mga taong pinatay sa pamamagitan ng espada! Ito ay si Faraon at ang lahat ng kaniyang mga tagapaglingkod! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh!”'
Ezekiel 32:20Babagsak sila sa gitna ng mga pinatay sa pamamagitan ng espada! Ibinigay ang Egipto sa espada; sasakupin siya ng kaniyang mga kaaway at ang kaniyang mga tagapaglingkod!
Amos 9:2Kahit na maghukay sila hanggang sa Sheol, naroon ang aking kamay upang kunin sila. Kahit na umakyat sila patungo sa langit, mula roon hihilain ko sila pababa.