Luke 12:28
Kung dinamitan nga ng Diyos ang damo sa bukid, na nananatili ngayon, at bukas ay itatapon sa pugon, gaano pa kayo na kaniyang dadamitan, O kayong mga maliit ang pananampalataya!
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Matthew 6:30Kung ganoong dinadamitan ng Diyos ang mga damo sa bukirin, na nabubuhay ngayon at itatapon sa hurno kinabukasan, gaano pa kaya na kayo ay higit na kaniyang dadamitan, kayong may maliit na pananampalataya?
Matthew 14:31Kaagad iniunat ni Jesus ang kaniyang kamay at inabot si Pedro at sinabi sa kaniya, “Ikaw na may maliit na pananampalataya, bakit ka nag-alinlangan?”
Matthew 17:17Sumagot si Jesus at sinabi, “Kayong salinlahi na walang pananampalataya at mga baluktot, hanggang kailan ba ako mananatili kasama ninyo? Hanggang kailan ako magtitiis sa inyo? Dalhin ninyo siya sa akin.”
Luke 8:25Pagkatapos, sinabi niya sa kanila, “Nasaan ang inyong pananampalataya?” Sa pagkatakot, sila ay lubos na namangha, at sinabi sa isa't isa. “Sino nga kaya ito, na kaniyang nauutusan kahit na ang mga hangin at tubig at ang mga ito ay sumusunod sa kaniya?”