Luke 16:16
Ang kautusan at ang mga propeta ang umiiral hanggang sa dumating si Juan. Mula noon, ipinangaral ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos, at ang lahat ay sinusubukang pumasok nang pilit doon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Matthew 4:17Mula nang panahong iyon, nagsimulang mangaral si Jesus at sinasabi, “Magsisi na kayo, sapagkat malapit na ang kaharian ng langit.”
Matthew 10:7At sa pagpunta ninyo, ipangaral ninyo at sabihing, 'Ang kaharian ng langit ay nalalapit na.'
Matthew 21:32Sapagkat si Juan ay pumunta sa inyo sa daan ng katuwiran, subalit hindi ninyo siya pinaniwalaan, samantalang ang mga maniningil ng buwis at mga nagbebenta ng aliw ay naniwala sa kaniya. At kayo, noong nakita ninyo na nangyari, hindi man lang kayo nagsisi pagkatapos nito upang maniwala sa kaniya.
Mark 1:45Ngunit siya ay umalis at sinimulang sabihin sa lahat, at labis na ikinalat ang nangyari, anupat si Jesus ay hindi na malayang makapasok sa kahit anong bayan. Kaya siya ay nanatili sa mga ilang na lugar at pumupunta ang mga tao sa kaniya mula sa lahat ng dako.
Luke 9:2Sila ay isinugo niya upang ipangaral ang kaharian ng Diyos at upang pagalingin ang mga may sakit.
Luke 10:11'Kahit ang alikabok mula sa inyong lungsod na kumapit sa aming mga paa ay aming pinupunasan laban sa inyo! Ngunit alamin ito, ang kaharian ng Diyos ay malapit na.'