Luke 17:6
Sinabi ng Panginoon, “Kung may pananampalataya kayo na tulad ng isang butil ng mustasa, sasabihin ninyo sa puno ng sicamorong ito, 'Mabunot ka, at matanim sa dagat,' at kayo ay susundin nito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
5Sinabi ng mga apostol sa Panginoon, “Dagdagan mo ang aming pananampalataya.”
Cross References
Matthew 13:31Muling nagkuwento si Jesus ng talinghaga sa kanila. Kaniyang sinabi, “Ang kaharian ng langit ay tulad ng binhi ng mustasa na kinuha ng isang tao at inihasik sa kaniyang bukid.
Matthew 17:20Sinabi ni Jesus sa kanila, “Dahil maliit ang inyong pananampalataya. Sapagkat katotohanang sinasabi ko sa inyo, kung mayroon kayong pananampalataya na kasinliit ng buto ng mustasa, maaari ninyong sabihin sa bundok na ito, 'Lumipat ka roon,' at lilipat nga ito at walang magiging imposible sa inyo.
Mark 9:23Sinabi ni Jesus sa kaniya, “'Kung may magagawa'? Ang lahat ay magagawa sa mga naniniwala.”
Luke 13:19Ito ay tulad ng isang buto ng mustasa na kinuha ng isang tao at inihagis sa kaniyang halamanan, at ito ay tumubo at naging isang malaking puno, at namugad sa mga sanga nito ang mga ibon sa langit.”
1 Corinthians 13:2Ipagpalagay na mayroon akong kaloob ng propesiya at nauunawaan ang lahat ng lihim na katotohanan at kaalaman, at mayroon ako ng lahat ng pananampalataya sa ganoon ay napapalipat ko ang mga bundok. Ngunit kung ako ay walang pag-ibig, ako ay walang kabuluhan.