Luke 18:7
Ngayon, hindi ba ibibigay din ng Diyos ang katarungan sa kaniyang mga hinirang na dumaraing sa kaniya araw at gabi? Hindi ba siya magiging matiyaga sa kanila?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
6Pagkatapos sinabi ng Panginoon, “Pakinggan ninyo ang sinabi ng hindi makatarungang hukom.
Cross References
1 Samuel 26:10Sinabi ni David, “Habang nabubuhay si Yahweh, papatayin siya ni Yahweh, o darating ang araw na mamamatay siya, o pupunta siya sa labanan at mamamatay.
Psalms 10:15Baliin mo ang bisig ng masama at buktot na tao; panagutin siya sa kaniyang mga masasamang gawain, na akala niya hindi mo matutuklasan.
Psalms 54:1Iligtas mo ako, O Diyos, sa pamamagitan ng iyong pangalan, at sa iyong kalakasan, hatulan mo ako.
Jeremiah 20:11Ngunit kasama ko si Yahweh tulad ng makapangyarihang mandirigma, kaya ang mga humahabol sa akin ay matitisod. Hindi nila ako matatalo. Labis silang mapapahiya dahil hindi sila magtatagumpay. Magkakaroon sila ng walang katapusang kahihiyan at hindi ito kailanman malilimutan.
Matthew 7:11Kaya kung kayong mga masasama ay marunong magbigay ng mga mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit na nagbibigay ng mga mabubuting bagay sa mga humihingi sa kaniya?
Luke 11:13Kaya, kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama mula sa langit na ibibigay ang Banal na Espiritu sa mga humihingi sa kaniya?”