Luke 19:47
Kaya araw-araw nagtuturo si Jesus sa templo. Ang mga punong pari at ang mga eskriba at ang mga pinuno ng mga tao ay nais siyang patayin,
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Matthew 21:23Nang dumating si Jesus sa templo, pumunta sa kaniya ang mga punong pari at mga nakatatanda sa mga tao habang siya ay nagtuturo at sinabi nila sa kaniya, “Sa anong kapangyarihan ginawa mo ang mga bagay na ito? At sino ang nagbigay sa iyo ng kapangyarihan na ito?”
Matthew 26:55Sa oras na iyon si Jesus ay nagsabi sa maraming tao, “Pumunta kayo rito na dala-dala ang mga espada at mga pamalo upang hulihin ako katulad ng isang tulisan? Araw-araw ay nakaupo ako sa templo na nagtuturo at hindi ninyo ako hinuli.
Mark 11:27Nakarating silang muli ng Jerusalem, habang si Jesus ay naglalakad sa templo, nilapitan siya ng mga punong pari, mga eskriba, at ng mga nakatatanda.
Mark 14:1Dalawang araw pa bago ang Paskua at ang Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Nag-iisip ang mga punong pari at ang mga eskriba kung paano nila patagong madakip si Jesus at pagkatapos ay papatayin.
John 7:19Hindi ba binigay sa inyo ni Moises ang kautusan? Gayunman wala sa inyo ang gumagawa ng batas. Bakit gusto ninyo akong patayin?”
John 8:37Alam ko na kayo ay kaapu-apuhan ni Abraham; gusto ninyo akong patayin dahil ang aking mga salita ay walang lugar sa inyo.