Luke 2:23
Sapagkat nasusulat sa kautusan ng Panginoon, “Ang bawat anak na lalaki na nagbubukas sa sinapupunan ay tatawaging nakatalaga sa Panginoon.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 13:2“Ilaan sa akin ang lahat ng mga panganay, ang bawat panganay na lalaki ng mga Israelita, kapwa mula sa mga tao at sa mga hayop. Pagmamay-ari ko ang mga panganay.”
Exodus 22:29Hindi dapat ninyo ipagkait ang inyong mga handog mula sa inyong ani o sa inyong pisaan ng ubas. Dapat ninyong ibigay sa akin ang panganay ng inyong mga anak na lalaki.
Numbers 3:13Pag-aari ko ang lahat ng mga panganay. Sa araw na sasalakayin ko ang lahat ng panganay sa lupain ng Ehipto, inilaan ko para sa aking sarili ang lahat ng panganay sa Israel, kapwa mga tao at mga hayop. Sila ay pag-aari ko. Ako si Yahweh.”
Numbers 18:15Bawat bagay na nagpapabukas ng sinapupunan, lahat ng panganay na hinandog ng mga tao kay Yahweh, kapwa tao at hayop, magiging sa iyo. Gayunpaman, dapat tiyak na bilhin muli ng mga tao ang bawat panganay na anak na lalaki, at dapat nilang bilhin muli ang panganay na lalaki ng maruming mga hayop.