Luke 2:34
Pagkatapos ay pinagpala sila ni Simeon at sinabi niya kay Maria na ina ng bata, “Makinig kang mabuti! Ang batang ito ay nakatadhana para sa pagbagsak at pagbangon ng maraming tao sa Israel at para sa tanda na tututulan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
33Ang ama at ina ng bata ay namangha sa mga bagay na sinabi tungkol sa kaniya.
Cross References
Genesis 47:7Pagkatapos dinala ni Jose ang kanyang ama na si Jacob at ipinakilala siya sa Paraon. Pinagpala ni Jacob si Paraon.
Leviticus 9:22Pagkatapos itinaas ni Aaron ang kaniyang mga kamay sa mga tao at pinagpala sila; pagkatapos bumaba siya mula sa paghahandog ng handog para sa kasalanan, ang handog na susunugin, at ang handog para sa kapayapaan.
Psalms 69:9Dahil nilamon ako ng kasigasigan sa iyong tahanan, at ang mga lait ng mga nanlalait sa iyo ay bumagsak sa akin.
Isaiah 8:18Tingnan, ako at ang mga anak na lalaki na binigay sa akin ni Yahweh ang magsisilbing tanda at himala sa Israel mula kay Yahweh ng mga Hukbo, na nananahan sa Bundok ng Sion.
Matthew 11:19Ang Anak ng Tao ay dumating na kumakain at umiinom at sinasabi nilang, 'Tingnan ninyo, siya ay napakatakaw na tao at lasenggero, kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan!' Ngunit ang karunungan ay napawalang-sala sa pamamagitan ng kaniyang mga gawa.”
Matthew 21:44Ang sinumang babagsak sa batong ito ay mababasag ng pirapiraso. At kung kanino man ito babagsak, madudurog siya.”