Luke 20:10
Nang dumating ang takdang panahon, pinapunta niya ang kaniyang utusan sa mga magtatanim ng ubas, upang siya ay bigyan nila ng bunga ng ubasan. Ngunit binugbog siya ng mga magtatanim ng ubas, at pinaalis siyang nang walang dala.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 6:8nagpadala ng isang propeta si Yahweh sa mga tao ng Israel. Sinabi ng propeta sa kanila, “Ito ang sinabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel: 'Dinala ko kayo mula Ehipto, inalis ko kayo mula sa tahanan pagkaka-alipin.
2 Kings 17:13Gayon man si Yahweh ay nagpahayag sa Israel at sa Juda sa bawat propeta at sugo, sinasabing, ''Talikuran ang inyong masasamang gawa at sundin aking mga utos at aking mga bilin, at maingat na sundin lahat ng batas aking pinag-utos sa inyong mga ama, at aking ipinabatid sa inyo sa pamamagitan ng aking mga lingkod ang mga propeta.''
2 Chronicles 16:10Pagkatapos, nagalit si Asa sa propeta; ikinulong niya ito, sapagkat nagalit siya sa kaniya sa mga bagay na ito. Sa araw na iyon, pinahirapan ni Asa ang ilan sa mga tao.
2 Chronicles 36:15Si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno ay nagpadala ng mensahe sa kanila sa pamamagitan ng kaniyang mga mensahero nang paulit-ulit, dahil mayroon siyang habag sa kaniyang mga tao at sa lugar kung saan siya naninirahan.
Nehemiah 9:30Sa maraming taon, sila ay pinagtiisan mo at binalaan ayon sa iyong Espiritu sa pamamagitan ng iyong mga propeta. Gayumpaman hindi pa rin sila nakinig. Kaya ibinigay mo sila sa mga kalapit-bansa.
Jeremiah 2:30Pinarusahan ko ang inyong mga tao ng walang kabuluhan. Hindi nila tinanggap ang pagtutuwid. Nilamon ng inyong mga tabak ang mga propeta gaya ng mapaminsalang leon!