Luke 4:36
Lahat ng tao ay lubhang namangha, at sila ay patuloy na nag-uusap sa isa't isa sa nangyari. Sinabi nila, “Anong uri ang mga salitang ito? Inutusan niya ang mga maruruming espiritu na may kakayahan at kapangyarihan at sila ay lumabas.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
37Kaya nagsimulang kumalat ang balita tungkol sa kaniya sa bawat bahagi ng nakapaligid na rehiyon.
Cross References
Matthew 12:22Pagkatapos ay may isang tao na bulag at pipi na sinapian ng demonyo ang dinala kay Jesus. Pinagaling niya ito at ang lalaki ay nakapagsalita at nakakita.
Mark 7:37Lubos silang namangha at sinasabi nilang, “Mahusay ang lahat ng kaniyang ginawa. Nagagawa niyang makarinig ang bingi at makapagsalita ang pipi.”
Luke 2:18Lahat ng nakarinig nito ay namangha sa sinabi sa kanila ng mga pastol.
Luke 10:17Bumalik ang pitumpu na may kagalakan, nagsasabing, “Panginoon, kahit ang mga demonyo ay nagpasakop sa amin sa iyong pangalan.”
1 Peter 3:22Siya ay nasa kanang kamay ng Diyos. Nagpunta siya sa langit. Ang mga anghel, mga pamahalaanan, at ang mga kapangyarihan ay dapat magpasakop sa kaniya.