Luke 4:40
Nang palubog na ang araw, dinala ng mga tao kay Jesus ang bawat may sakit at may iba't ibang karamdaman. Ipinatong niya ang kaniyang kamay sa bawat isa sa kanila at sila ay gumaling.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Matthew 4:23Nilibot ni Jesus ang buong Galilea, nagtuturo siya sa kanilang mga sinagoga, ipinangaral niya ang ebanghelyo ng kaharian, pinapagaling niya ang lahat ng uri ng sakit at karamdaman ng mga tao.
Matthew 11:5Ang mga bulag ay nakatatanggap ng paningin, nakapaglalakad ang mga lumpo, ang mga may ketong ay nagiging malinis, ang mga bingi ay nakaririnig nang muli, ang mga patay ay muling binuhay, at ang mga mahihirap ay nasabihan na tungkol sa mabuting balita.
Mark 1:32Nang gabing iyon, pagkatapos lumubog ng araw, dinala nila sa kaniya ang lahat ng may sakit at ang mga sinapian ng mga demonyo.
Mark 5:23Nagmakaawa siya nang paulit-ulit na nagsasabi, “Ang aking anak na babae ay malapit nang mamatay. Nakikiusap ako sa iyo, halika ka at ipatong ang iyong mga kamay sa kaniya upang siya ay gumaling at mabuhay.”
Mark 6:55At nagtakbuhan sila sa buong rehiyon at nagsimulang dalhin sa kaniya ang mga may sakit na nasa higaan, saan man nila mabalitaan na siya ay pupunta.
Acts 5:15kaya dinadala nila maging ang mga may sakit sa daanan at ipinapahiga sa mga higaan at sa hiligan, upang sa pagdating ni Pedro baka sakaling tumama sa ilan sa kanila ang kaniyang anino.