Luke 5:12
At nangyari nga na habang siya ay nasa isa sa mga lungsod, isang taong puno ng ketong ang naroon. Nang makita niya si Jesus, siya ay nagpatirapa at nagmakaawa sa kaniya, na nagsabi, “Panginoon, kung iyong nanaisin, ako ay maaari mong linisin.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 4:6Sinabi rin ni Yahweh sa kaniya, “Ngayon ilagay mo ang iyong kamay sa loob ng iyong balabal.” Kaya inilagay ni Moises ang kaniyang kamay sa loob ng kaniyang balabal. Nang ilabas niya ito, namasdan, na ang kaniyang kamay ay naging ketong, kasing puti ng niyebe.
Leviticus 13:1Nakipag-usap si Yahweh kay Moises at kay Aaron, na nagsasabing,
Deuteronomy 24:8Pakinggang mabuti ang tungkol sa anumang sakit ng ketong, sa gayon bigyan ninyo ng mainamn na pansin at sumunod sa bawat tagubilin sa inyo ng mga pari, na mga levita, na nagturo sa inyo; ayon sa iniutos ko sa kanila, para kayo ay kumilos.
1 Kings 18:39Nang makita ng buong bayan ito, sila ay nagpatirapa sa lupa at sinabi, “Si Yahweh, siya ay Diyos! Si Yahweh, siya Diyos!”
2 Kings 5:27Kaya ang ketong ni Naaman ay papasa-iyo at iyong mga kaapu-apuhan magpakailanaman.” Kaya umalis si Gehazi sa kaniyang harapan, isang ketongin na kasing puti ng bulak.
1 Chronicles 21:16Tumingin sa itaas si David at nakita niya ang anghel ni Yahweh na nakatayo sa pagitan ng langit at lupa na may hawak na espada na nakataas sa buong Jerusalem. Pagkatapos dumapa si David at ang mga nakatatanda na nakadamit ng pangluksa sa lupa.