Luke 6:28
Pagpalain ninyo ang mga sumusumpa sa inyo at ipanalangin ang mga umaapi sa inyo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Bless them that curse you, and pray for them which despitefully use you.
In Context
Cross References
Ezekiel 36:5kaya ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Ako ay tiyak na nagsasalita sa alab ng aking poot laban sa ibang mga bansa, laban sa Edom at sa lahat ng mga umangkin sa aking lupain bilang pag-aari para sa kanilang mga sarili, laban sa lahat nang may galak sa kanilang mga puso at may panghahamak sa kanilang mga espiritu, habang sinasakop nila ang aking lupain na baka sakaling maangkin nila ang pastulan nito para sa kanilang mga sarili.'
Luke 6:27Ngunit sinasabi ko sa inyo na nakikinig, mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at gumawa kayo ng mabuti sa mga namumuhi sa inyo.
Luke 23:34Sinabi ni Jesus, “Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa.” At sila ay nagsapalaran, hinati-hati ang kaniyang kasuotan.
Acts 14:5Nang subukang himukin ng mga Gentil at Judio ang kanilang mga pinuno na saktan at batuhin sina Pablo at Bernabe,
1 Corinthians 4:12Nagpakahirap kami sa paggawa, gumagawa sa sarili naming mga kamay. Nang kami ay nilait, nagpapala kami. Nang kami ay inusig, nagtiis kami.
1 Peter 3:9Huwag ninyong suklian ang masama ng masama o ang panlalait ng panlalait. Sa halip, patuloy kayong magpala, sapagkat dahil dito, kayo ay tinawag nang sa gayun magmana kayo ng pagpapala.