Lucas 7:12
Nang palapit na siya sa tarangkahan papasok ng lungsod, masdan ito, isang taong patay ang dinadala palabas, ang kaisa-isang anak ng kaniyang ina. Siya ay isang balo, at kasama niya ang isang malaking grupo ng mga tao na galing sa lungsod.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 22:2Pagkatapos sinabi ng Diyos, “Kunin mo ang iyong anak, ang kaisa-isa mong anak, na iyong minamahal, si Isaac, at pumunta ka sa lupain ng Moria. Ialay mo siya roon bilang handog na susunugin sa ibabaw ng isa sa mga bundok na ituturo ko sa iyo.”
2 Samuel 14:7At ngayon nag-alsa laban sa iyong lingkod ang buong angkan at sinabi nila, “Isuko ang lalaking pumalo sa kaniyang kapatid, para mapatay namin siya, para bayaran ang buhay ng kaniyang kapatid na kaniyang pinatay.' At kaya sisirain din nila ang tagapagmana. Samakatwid papawiin nila ang nagliliyab na uling na natitira sa akin at walang iiwan para sa aking asawa maging pangalan ni kaapu-apuhan sa ibabaw ng mundo.”
1 Kings 17:12Sumagot siya, “Si Yahweh na iyong Diyos ay buhay, wala na akong tinapay, maliban na lang sa isang dakot ng harina at kaunting mantika sa lalagyan. Tingnan mo, namulot ako ng dalawang kahoy para lutuin ito para sa akin at sa anak ko, para kami makakain, at mamatay.”
1 Kings 17:23Kinuha niya ang bata at binaba sa bahay mula sa silidat sinabi, “Tingnan mo, buhay ang iyong anak.”
2 Kings 4:20Nang binuhat siya at dinala ang bata sa kaniyang ina, umupo ang bata sa tuhod ng kaniyang ina hanggang tanghali at pagkatapos ay namatay.
Zechariah 12:10Ngunit ibubuhos ko ang espiritu ng pagkahabag at pagsusumamo sa sambahayan ni David at sa mga naninirahan sa Jerusalem, kaya titingin sila sa akin, na kanilang sinaksak. Tatangis sila para sa akin, gaya ng isang tumatangis para sa nag-iisang anak na lalaki; Mananaghoy sila nang may kapaitan para sa kaniya tulad ng mga nananaghoy sa pagkamatay ng panganay na anak na lalaki.