Luke 7:16
At silang lahat ay nadaig ng takot. Nagpatuloy silang nagpuri sa Diyos, na nagsasabi, “Isang dakilang propeta ang nakasama natin” at “Tiningnan ng Diyos ang kaniyang mga tao.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
15Ang taong patay ay bumangon at nagsimulang magsalita. At ibinigay siya ni Jesus sa kaniyang ina.
17Itong balita tungkol kay Jesus ay kumalat sa buong Judea at sa lahat ng kalapit na mga rehiyon.
Cross References
Exodus 4:31Naniwala ang mga tao. Nang marinig nila na si Yahweh ay nag-oobserba sa mga Israelita at nakita niya ang kanilang pagkaalipin, pagkatapos iniyuko nila ang kanilang mga ulo at sinamba siya.
Psalms 106:4Alalahanin mo ako, Yahweh, noong nagpakita ka ng kabutihang-loob sa iyong bayan; tulungan mo ako kapag iniligtas mo sila.
Matthew 9:8Nang makita ito ng napakaraming tao, namangha sila at nagpuri sa Diyos, na siyang nagbigay ng ganoong kapangyarihan sa mga tao.
Matthew 21:11Ang mga tao ay sumagot, “Si Jesus ito na propeta, na taga-Nazaret ng Galelia.”
Luke 1:65Natakot ang lahat ng nakatira malapit sa kanila. Lahat ng mga bagay na ito ay kumalat sa lahat ng bahagi ng maburol na lupain ng Judea.
Luke 2:20Bumalik ang mga pastol na niluluwalhati at pinupuri ang Diyos sa lahat ng kanilang narinig at nakita, tulad ng sinabi sa kanila.