Luke 7:22
Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Kapag nakaalis na kayo, ibalita ninyo kay Juan kung ano ang inyong nakita at narinig. Ang mga bulag ay nakatatanggap ng paningin, ang mga pilay ay nakakalakad, ang mga ketongin ay nalilinis, ang mga bingi ay nakaririnig, ang mga patay ay nabuhay, at ibinabahagi ang magandang balita sa mga taong mahihirap.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
23Pinagpala ang taong hindi tumitigil sa pananampalataya sa akin dahil sa aking mga ginawa.”
Cross References
Psalms 146:8minumulat ni Yahweh ang mga mata ng bulag; ibinabangon ni Yahweh ang mga nalulugmok; iniibig ni Yahweh ang mga matutuwid.
Isaiah 32:3Pagkatapos ang mga mata ng nakakikita ay hindi lalabo, at ang mga tainga ng mga nakaririnig ay makakarinig ng mabuti.
Isaiah 42:6“Ako, si Yahweh, ang tumawag sa iyo sa katuwiran at hahawak sa iyong kamay. Iingatan kita at itatakda kita bilang tipan para sa mga tao, bilang isang liwanag para sa mga dayuhan,
Isaiah 43:8Ilabas ang mga bulag na may mga mata, at ang bingi, kahit siya ay may mga tainga.
Jeremiah 31:8Tingnan mo, dadalhin ko na sila sa hilagang mga lupain. Titipunin ko sila sa mga pinakamalayong dako ng mundo. Kasama nila ang mga bulag at pilay, ang mga nagdadalang tao at ang mga malapit nang manganak ay kasama nila. Isang malaking kapulungan ang babalik dito.
Matthew 9:28Nang dumating si Jesus sa bahay, lumapit ang mga bulag sa kaniya. Sinabi ni Jesus sa kanila, “Naniniwala ba kayo na magagawa ko ito?” Sinabi nila sa kanya, “Opo, Panginoon.”