Malachi 2:2
Sabi ng Diyos ng mga hukbo, “Kung hindi kayo makikinig at kung hindi ninyo ito tatanggapin sa inyong puso upang bigyan nang kaluwalhatian ang aking pangalan,” magpapadala ako ng sumpa sa inyo at susumpain ko ang inyong mga biyaya. Sa katunayan, sinumpa ko na sila, dahil hindi ninyo tinanggap sa inyong puso ang aking kautusan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
1At ngayon, kayong mga pari, ang utos na ito ay para sa inyo.
Cross References
Deuteronomy 28:15Pero kung hindi kayo makikinig sa boses ni Yahweh na inyong Diyos, at sundin ang lahat ng kaniyang mga kautusan at kaniyang mga batas na sinasabi ko sa inyo ngayon, darating ang mga sumpang ito sa inyo at matatabunan kayo.
Deuteronomy 30:17Pero kung ang inyong puso ay tumalikod at hindi kayo nakinig sa halip ay lumayo at nagpatirapa pababa sa ibang mga diyus-diyosan at sasambahin sila,
Psalms 69:22Hayaan mong maging bitag ang mesa sa harap nila; kapag iniisip nila na ligtas sila, hayaan mong maging patibong ito.
Psalms 109:7Kapag siya ay hinatulan, nawa mapatunayan siyang may-sala; nawa maituring na makasalanan ang kaniyang panalangin.
Isaiah 42:25Kaya ibinuhos niya ang kaniyang mabangis na galit laban sa kanila, kasama ang pagkawasak ng digmaan. Ito ay nagliyab sa kanilang kapaligiran, pero hindi nila ito maunawaan; tinupok sila nito, pero hindi nila ito isinapuso.
Isaiah 57:11Kanino ba kayo nag-aalala? Kanino ba kayo labis na natatakot na siyang nagdudulot para kumilos kayo nang may panlilinlang, kaya halos hindi ninyo maala-ala o maisip ang tungkol sa akin? Dahil nanahimik ako nang napakatagal, hindi na kayo natatakot sa akin.