Malachi 3:2
Ngunit sino ang makapagtitiis sa araw ng kaniyang pagdating? At sino ang tatayo kapag nagpakita siya? Sapagkat siya ay katulad ng apoy nang tagapaglinang at katulad ng sabong panlaba.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 19:28Tumingin siya sa baba sa Sodoma at Gomora at sa lahat ng lupain ng kapatagan. Nakita niya at namasdan ang usok na umaakyat mula sa lupa na katulad ng usok sa isang pugon.
Job 28:1Tiyak na mayroong isang mina ng pilak, isang lugar kung saan dinadalisay nila ang ginto.
Isaiah 1:18“Halika at pag-usapan natin ito,” sabi ni Yahweh; “bagaman ang mga kasalanan ninyo ay tulad ng iskarlata, magiging kasing-puti ng bulak ang mga ito; bagaman pula sila tulad ng krimson, magiging tulad sila ng lana.
Jeremiah 2:22Sapagkat kahit linisin mo ang iyong sarili sa ilog o maghugas ka ng matapang na sabon, ang iyong pagkakasala ay isang bahid sa aking harapan. Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
Amos 5:18Aba sa inyo na naghahangad sa araw ni Yahweh! Bakit ninyo hinahangad ang araw ni Yahweh? Ito ay kadiliman at hindi liwanag.
Malachi 4:1Sapagkat tingnan ninyo, ang araw ay dumarating, na nagliliyab na parang isang pugon, kapag ang lahat ng mayabang at lahat ng gumagawa ng masama ay magiging parang dayami. Susunugin sila sa araw na paparating,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo, “upang walang maiwan kahit ugat at maging sanga man.