Mark 1:14
Ngayon matapos madakip si Juan, dumating si Jesus sa Galilea na nagpapahayag ng ebanghelyo ng Diyos,
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Matthew 4:12Ngayon, nang marinig ni Jesus na nadakip si Juan, umalis siya patungong Galilea.
Matthew 9:35Pumunta si Jesus sa lahat ng mga lungsod at mga nayon. Nagpatuloy siyang nagtuturo sa kanilang mga sinagoga, ipinangangaral ang mabuting balita ng kaharian, at pinapagaling niya ang lahat ng mga uri ng karamdaman at ang lahat ng uri ng sakit.
Matthew 14:2Sinabi niya sa kaniyang mga lingkod, “Ito ay si Juan na Tagapagbautismo, muli siyang nabuhay mula sa mga patay. Kaya ang mga kapangyarihang ito ay gumagawa sa kaniya.”
Luke 4:17Ang balumbon ni propeta Isaias ay iniabot sa kaniya, kaya binuksan niya ang balumbon at nakita ang bahagi kung saan nakasulat,
Luke 8:1Pagkatapos, nangyari agad na si Jesus ay nagsimulang maglakbay sa iba't ibang mga lungsod at mga nayon, nangangaral at nagpapahayag ng magandang balita tungkol sa kaharian ng Diyos at ang Labindalawa ay sumama sa kaniya,
Acts 20:25Ngayon, tingnan ninyo, nalalaman ko na kayong lahat, na pinuntahan ko at ipinangaral ang patungkol sa kaharian, hindi na ninyo makikita pang muli ang aking mukha.