Mark 13:11
Kapag hinuli nila kayo at ipasakamay sa iba, huwag kayong mag-alala kung ano ang inyong dapat sabihin. Dahil sa oras na iyon, ibibigay sa inyo kung ano ang dapat ninyong sabihin; hindi kayo ang magsasalita, kundi ang Banal na Espiritu.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
10Ngunit ang ebanghelyo ay dapat munang maihayag sa lahat ng mga bansa.
Cross References
Exodus 4:10Pagkatapos sinabi ni Moises kay Yahweh, “Panginoon, hindi ako naging magaling manalita, kahit pa noong nakaraan o ni mula ng nakipag-usap ka sa iyong lingkod. Mahina ako sa pananalita at mahina ang dila.”
Isaiah 50:4Binigyan ako ng Panginoong si Yahweh ng dila na katulad ng mga marunong, kaya nagsasabi ako ng nakakatulong na salita sa napapagod; ginigising niya ako bawat umaga; ginigising niya ang tainga ko para makarinig tulad ng mga marunong.
Daniel 3:16Sumagot sa hari sina Shadrac, Meshac at Abednego, “Nebucadnezar, hindi namin kailangang sumagot sa usaping ito.
Matthew 10:19Kapag dinala nila kayo, huwag kayong mabahala kung paano o kung ano ang inyong sasabihin, sapagkat ibibigay sa inyo ang mga dapat ninyong sabihin sa oras na iyon.
Luke 12:11Kung kayo ay dinala nila sa harap ng mga sinagoga, ng mga pinuno, at mga may kapangyarihan, huwag kayong matakot kung paano kayo magsasalita upang ipagtanggol ang inyong sarili, o kung ano ang inyong sasabihin,
John 3:27Sumagot si Juan, “Walang anumang bagay ang tatanggapin ng isang tao maliban na lamang kung ito ay ibinigay sa kaniya mula sa langit.