Mark 14:31
Ngunit sinabi ni Pedro, “Kung kailangan kong mamatay kasama mo, hindi kita ipagkakaila.” Ganun din ang pangako na sinabi nilang lahat.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 19:8Lahat ng tao ay magkakasabay na sumagot at sinabing, “Gagawin namin ang lahat ng sinabi ni Yahweh.” Pagkatapos ipinarating ni Moises ang mga salita ng mga tao kay Yahweh.
1 Kings 11:22At sinabi sa kaniya ng Paraon, “Pero ano pa ang kulang mo sa akin na gustuhin mo pang bumalik sa iyong sariling bansa?” Sumagot si Hadad, “Wala, hayaan mo lang akong umalis.”
Job 40:4“Tingnan mo, ako ay walang halaga; paano kita sasagutin? Nilagay ko ang kamay ko sa aking bibig.
Proverbs 16:18Nauuna ang kayabangan bago sa kapahamakan at ang mapagmataas na kalooban ay nauuna bago sa isang pagbagsak.
Proverbs 29:23Ang pagmamataas ng isang tao ay ang magdadala sa kaniya pababa, pero ang siyang may mapagpakumbabang kalooban ay bibigyan nang karangalan.
Jeremiah 17:9Ang puso ay higit na mapanlinlang sa anumang bagay. Ito ay sakit; sino ang nakakaunawa rito?