Mark 14:72
Pagkatapos tumilaok ang tandang ng ikalawang beses. At naalala ni Pedro ang mga salitang sinabi ni Jesus sa kaniya, “Bago tumilaok ang tandang ng dalawang ulit, tatlong beses mo akong itatanggi.” At nanlumo siya at tumangis.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
71Ngunit nagsimula siyang manungayaw at manumpa, “Hindi ko nakikilala ang lalaking sinasabi ninyo.”
Cross References
2 Samuel 24:10Pagkatapos nagdalamhati ang puso ni David matapos niyang bilangin ang mga kalalakihan. Kaya sinabi niya kay Yahweh, “Nagkasala ako nang matindi sa paggawa nito. Ngayon, Yahweh, alisin mo ang pagkakasala ng iyong lingkod, sapagkat kumilos ako nang may labis na kahangalan.”
Jeremiah 31:18Tiyak na narinig kong nagdadalamhati ang Efraim, 'Pinarusahan mo ako at ako ay naparusahan. Ibalik mo ako kagaya ng baka na hindi pa naturuan at ako ay babalik, sapagkat ikaw si Yahweh na aking Diyos.
Ezekiel 16:63Dahil sa mga bagay na ito, maaalala mo ang lahat ng bagay sa iyong isipan at mapapahiya ka, kaya hindi mo na muling maibubuka ang iyong bibig upang magsalita dahil sa iyong kahihiyan, kapag pinatawad na kita sa lahat ng iyong ginawa—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.'”
Matthew 26:34Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Totoo itong sinasabi ko sa inyo, sa gabing ito bago tumilaok ang tandang, ikakaila mo ako ng tatlong beses.”
Mark 14:30Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Totoo, sinasabi ko ito sa iyo, ngayong gabi, bago tumilaok ang tandang ng dalawang beses, ipagkakaila mo ako ng tatlong beses.
Luke 15:17Ngunit nang nakapag-isip-isip ang nakababatang anak, sinabi niya, 'Napakaraming mga upahang utusan ng aking ama ang may higit pa sa sapat na pagkain, at ako ay nandito, namamatay sa gutom!