Mark 15:14
Sinabi sa kanila ni Pilato, “Anong kasalanan ang ginawa niya?” Ngunit mas lalo nilang isinigaw, “Ipako siya sa krus.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
13Sumigaw silang muli, “Ipako siya sa krus!”
Cross References
Isaiah 53:3Siya ay hinamak at itinakwil ng mga tao; isang taong maraming kalungkutan, at siyang pamilyar sa sakit. Kagaya ng isang pinagtataguan ng mga tao ng kanilang mga mukha, siya ay hinamak; Itinuring namin siyang hindi mahalaga.
Matthew 27:4at sinabi, “Ako ay nagkasala sa pamamagitan ng pagkakanulo sa dugong walang kasalanan.” Ngunit sinabi nila, “Ano ba sa amin iyon? Tingnan mo yan sa iyong sarili.”
Matthew 27:23At sinabi niya, “Bakit, ano ang krimen na kaniyang nagawa?” Ngunit sila ay sumigaw pa ng mas malakas, “Ipako siya sa krus.”
Luke 23:4Sinabi ni Pilato sa mga punong pari at sa maraming tao, “Wala akong makitang kasalanan sa taong ito.”
Luke 23:21Ngunit sumigaw sila, sinasabi, “Ipako siya sa krus, ipako siya sa krus.”
Luke 23:41Nararapat lang na narito tayo, sapagkat tinatanggap natin ang nararapat sa ating mga ginawa. Ngunit ang taong ito ay walang ginawang mali.”