Mark 4:31
Ito ay katulad ng buto ng mustasa na kapag ito ay itinanim, ito ang pinakamaliit sa lahat ng mga buto sa daigdig.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 72:16Magkaroon nawa ng kasaganahan ng binhi sa tuktok ng mga kabundukan ng mundo; kumampay nawa sa hangin ang kanilang mga ani tulad ng mga puno sa Lebanon, at ang mga tao sa mga lungsod ay dumami gaya ng mga damo sa lupa.
Isaiah 9:7Sa paglawak ng kaniyang kapamahalaan, mananatili ang kapayapaan, habang siya ay nakaluklok sa trono ni David, sakop ang kaniyang kaharian, patatatagin niya at panatilihin ito nang may katarungan at katuwiran mula ngayon at magpakailanman. Ang kasigasigan ni Yahweh ng mga hukbo ang tutupad nito.
Isaiah 53:2Dahil lumaki siya sa harapan ni Yahweh gaya ng isang supling, at gaya ng isang usbong sa tigang na lupa; wala siyang taglay na kapansin-pansin na hitsura o kaningningan; noong makita namin siya, walang kagandahan para kami ay maakit.
Isaiah 60:22Ang isang kakaunti ay magiging isang libo, at ang isang maliit, isang malakas na bansa; akong si Yahweh, agad na tutuparin ang mga bagay na ito kapag dumating ang panahon.
Daniel 2:34Tumingala ka, at natibag ang isang bato, bagaman hindi sa pamamagitan ng mga kamay ng tao, at tumama ito sa bakal at putik na paa ng imahen at nabasag nila ito.
Amos 9:11Sa araw na iyon muli kong ibabangon ang tolda ni David na bumagsak, at pagdudugtungin ko ang mga tukod nito. Ibabangon ko ang mga nawasak, Itatayo ko ang mga ito tulad ng dati.