Mark 4:39
At gumising siya at sinaway ang hangin at sinabi sa dagat, “Pumayapa ka, tigil.” Tumigil ang hangin, at nagkaroon ng labis na kapayapaan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
40At sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo natatakot? Wala pa rin ba kayong pananampalataya?”
Cross References
Exodus 14:22Ang mga Israelita ay pumunta sa gitna ng dagat sa tuyong lupa. Ang tubig ay nag-anyong pader para sa kanila sa kanilang kanang kamay at sa kanilang kaliwa.
Job 38:11at nang sinabi ko dito, 'Maari kang pumunta hanggang dito, pero hanggang dito lamang; dito ko ilalagay ang hangganan ng pagmamalaki ng iyong mga alon.'
Psalms 65:7Ikaw ang nagpapatahimik sa umaatungal na mga dagat, umaatungal na mga alon, at kaguluhan ng mga tao.
Psalms 93:3Tumataas ang karagatan, Yahweh; kanilang itinaas ang kanilang mga tinig; ang alon ng karagatan ay nagsasalpukan at dumadagundong.
Psalms 107:29Pinayapa niya ang bagyo at pinatahimik ang mga alon.
Proverbs 8:29Naroon na ako nang ginawa niya ang hangganan para sa dagat, kaya ang katubigan ay hindi kumalat lagpas kung saan niya iniutos, at kung saan niya inutos ilagay ang mga pundasyon ng lupa.