Mark 6:56
Sa tuwing pumapasok siya sa mga nayon, o sa mga lungsod, o sa mga bayan, inilalagay nila ang mga may sakit sa mga pamilihan at nagmamakaawa sila sa kaniya na payagan man lamang silang hawakan ang laylayan ng kaniyang damit. At lahat ng humawak sa kaniya ay gumaling.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 15:38“Magsalita ka sa mga kaapu-apuhan ng Israel at utusan silang gumawa ng mga palawit para sa kanilang mga sarili upang isabit mula sa mga dulo ng kanilang mga damit, upang isabit ang mga ito mula sa bawat dulo sa pamamagitan ng isang taling asul. Dapat nilang gawin ito sa kabuuan ng salinlahi ng kanilang mga tao.
2 Kings 13:21Habang inililibing nila ang isang lalaki, nakita nila ang isang pangkat ng Moabita, kaya inihagis nila ang katawan sa libingan ni Eliseo. Pagkadikit na pagkadikit ng lalaki sa mga buto ni Eliseo, nabuhay siya at tumayo.
Mark 3:10Dahil sa marami na siyang napagaling, lahat ng may mga malulubhang karamdaman ay gustong makalapit sa kaniya upang mahawakan siya.
Luke 6:19Ang lahat ng napakaraming tao ay sinusubakan siyang hipuin dahil ang kapangyarihang magpagaling ay lumalabas mula sa kaniya, at pinagaling niya silang lahat.
Luke 22:51Sinabi ni Jesus, “Tigilan na ninyo ito.” At hinawakan ni Jesus ang kaniyang tainga at pinagaling siya.
Acts 4:12Walang kaligtasan sa sinumang tao: sapagkat wala ng iba pang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, kung saan tayo maliligtas.”