Mark 7:5
Tinanong ng mga Pariseo at ng mga eskriba si Jesus, “Bakit hindi namumuhay alinsunod sa kaugalian ng mga nakatatanda ang iyong mga alagad, sapagkat kumakain sila ng tinapay ng hindi naghuhugas ng kanilang mga kamay?”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Mark 2:16Nang makita ng mga eskriba na mga Pariseo si Jesus na kumakain kasama ang mga makasalanang tao at tagasingil ng buwis, sinabi nila sa kaniyang mga alagad, “Bakit siya nakikisalo sa mga tagasingil ng buwis at mga makasalanang tao?”
Acts 21:21nakapagbalita sa kanila ng tungkol sa iyo, na iyong itinuturo sa lahat ng mga Judio na naninirahan kasama ng mga Gentil upang iwanan si Moises, at sinasabi mo sa kanila na huwag tuliin ang kanilang mga anak at huwag sumunod sa sinaunang kaugalian.
Romans 4:12Ito ay nangangahulugan ding si Abraham ay naging ama ng pagtutuli, hindi lamang sa mga tuli, kundi pati na rin sa mga sumusunod sa mga yapak ng ating amang si Abraham. At ito ang pananampalataya na mayroon siya noong hindi pa siya natutuli.
2 Thessalonians 3:6Ngayon inuutusan namin kayo, mga kapatid, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na lumayo kayo sa mga taong tamad sa pamumuhay at hindi ayon sa mga kaugalian na inyong tinanggap mula sa amin.