Matthew 1:19
Si Jose na asawa niya ay isang matuwid na tao, ngunit ayaw niyang mapahiya si Maria sa mga tao. Kaya palihim niyang tinapos ang kasunduan niyang magpakasal sa kaniya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 38:24Dumating ang panahon, pagkalipas ng tatlong buwan na sinabi kay Juda, “Ang iyong manugang na si Tamar ay naging babaeng bayaran, at totoo nga, siya ay nabuntis sa dahil doon.” Sinabi ni Juda, “Siya'y ilabas upang sunugin.”
Leviticus 20:10Ang taong gumagawa ng pangangalunya sa asawa ng ibang lalaki, iyon ay, sinumang gumagawa ng pangangalunya sa asawa ng kanyang kapitbahay—ang nakikiapid na lalaki at ang nakikiapid na babae ay tiyak na kapwa papatayin.
Deuteronomy 24:1Kapag ang isang lalaki ay kumuha ng isang asawa at pinakasalan niya, kung wala siyang nakitang pabor sa kaniyang mga mata dahil nakakita siya ng hindi angkop na bagay sa kaniya, dapat siyang sumulat ng liham ng pagkakahiwalay, ilagay ito sa kaniyang kamay at palabasin siya sa kaniyang bahay.
Mark 6:20sapagkat natatakot si Herodes kay Juan, alam niyang matuwid at banal na tao si Juan, at pinanatili niya itong ligtas. At sa pakikinig nito sa kaniya ay labis siyang nabagabag, subalit siya ay nakinig sa kaniya na may galak.
Luke 2:25Masdan ito, may isang lalaki sa Jerusalem na ang pangalan ay Simeon. Ang taong ito ay matuwid at may taos na pananalig. Siya ay naghihintay sa manga-aliw ng Israel, at ang Banal na Espiritu ay nasa kaniya.
Acts 10:22Sinabi nila, “Ang senturion na nagngangalang Cornelio, isang matuwid na tao at sumasamba sa Diyos, at mabuti ang sinasabi tungkol sa kaniya ng lahat ng mga Judio sa bansa, ay sinabihan ng isang banal na anghel ng Diyos na papuntahan ka para isama ka sa kaniyang bahay, upang siya ay makinig ng mensahe mula sa iyo.”