Mateo 10:11
Anumang lungsod o nayon ang inyong mapuntahan, hanapin ninyo ang karapat-dapat at manatili kayo doon hanggang sa kayo ay aalis.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
12Pagpasok ninyo sa bahay, batiin ninyo ang mga nandoon.
Cross References
Genesis 19:1Dumating ang dalawang anghel sa Sodoma sa gabi, habang nakaupo si Lot sa tarangkahan ng Sodoma. Nakita sila ni Lot, tumayo siya upang salubungin sila, at nagpatirapa na nakasayad ang mukha sa lupa.
1 Kings 17:9“Bumangon ka, pumunta ka sa Sarepta na sakop ng Sidon, at doon ka manahan. Tingnan mo, inutusan ko ang isang balo para alagaan ka.
Mark 6:10At sinabi ni Jesus sa kanila, “Sa tuwing papasok kayo sa isang bahay, manatili kayo doon hanggang makaalis kayo sa lugar na iyon.
Luke 10:7Manatili kayo sa bahay na iyon, kumain at uminom ng anumang ibigay nila, sapagkat ang manggagawa ay karapat-dapat sa kaniyang sahod. Huwag kayong magpalipat-lipat ng bahay.
Luke 19:7Nang makita ito ng lahat, dumaing silang lahat, sinasabi, “Pumunta siya upang bisitahin ang isang taong makasalanan.”
Acts 18:1Pagkatapos mangyari ng mga bagay na ito si Pablo ay umalis sa Atenas at pumunta sa Corinto.