Matthew 10:21
Dadalhin ng kapatid ang kaniyang kapatid sa kamatayan, at ang ama sa kaniyang anak. Sasalungat ang mga anak laban sa kanilang mga magulang at ipapapatay nila sila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Samuel 16:11Kaya sinabi ni David kay Abisai at sa lahat ng kaniyang lingkod, “Tingnan niyo, ang aking anak na lalaki na ipinanganak mula sa aking katawan ay gustong kunin ang aking buhay. Paano pa kaya ang pagnanais na sirain ang lipi ng Benjamin? Iwan siyang mag-isa at hayaan siyang magmura, dahil inutusan siya ni Yahweh na gawin ito.
Job 19:19Kinamumuhian ako ng lahat ng aking mga kaibigan; tinalikuran ako ng lahat ng mga minamahal ko.
Zechariah 13:3Kung magpapatuloy sa pagpapahayag ang sinuman, sasabihin sa kaniya ng kaniyang ama at ina na siyang nagsilang sa kaniya, 'Hindi ka mabubuhay, sapagkat nagsalita ka ng kasinungalingan sa pangalan ni Yahweh!' At ang ama at ina na siyang nagsilang sa kaniya ang sasaksak sa kaniya kapag magpapahayag siya.
Matthew 24:10At marami ang matitisod at ipagkanulo nila ang isa't isa, at kasusuklaman nila ang isa't isa.
Luke 12:51Iniisip ba ninyo na ako ay naparito upang magdala ng kapayapaan sa mundo? Hindi, sinasabi ko sa inyo, sa halip ay pagkabaha-bahagi.