Matthew 13:22
Siya na naihasik sa may mga matitinik na halaman ay nakaririnig ng salita, ngunit ang pagkabalisa sa mundo at ang panlilinlang ng mga yaman ang siyang sumakal sa salita, at hindi siya namunga.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 7:20Sumagot si Achan kay Josue, “Tunay nga, nagkasala ako laban kay Yahweh, ang Diyos ng Israel. Ganito ang aking ginawa:
Psalms 52:7“Tingnan mo, ito ang taong hindi ang Diyos ang ginawang kalakasan pero nagtiwala sa kasaganahan ng kaniyang kayamanan at pinatunayan ang kaniyang sarili sa kasamaang kaniyang ginagawa.”
Proverbs 11:28Sila na nagtitiwala sa kanilang kayamanan ay babagsak, pero tulad ng dahon, sila na gumagawa ng tama ay lalago.
Ecclesiastes 4:8Mayroong isang uri ng tao na nag-iisa. Wala siyang kahit na sino, walang anak o kapatid. Walang katapusan ang lahat ng kaniyang gawain, at ang kaniyang mga mata ay hindi nasisiyahan sa pagdami ng kayamanan. Nagtataka siya, “Para kanino ang aking pagbubungkal at inaalis sa sarili ko ang kasiyahan? Ito rin ay usok, isang masamang kalagayan.
Ecclesiastes 5:13Mayroon isang malubhang kasamaan na aking nakita sa ilalim ng araw: mga kayamanang inimbak ng may-ari, nagdudulot ng sarili niyang kapighatian.
Matthew 6:24Walang sinuman ang maaaring maglingkod sa dalawang amo, sapagkat kakamuhian niya ang isa at mamahalin ang isa, o di kaya tapat siya sa isa at hahamakin ang isa. Hindi ninyo maaaring paglingkuran ang Diyos at ang kayamanan.