Matthew 13:30
Hayaan lang silang parehong lumaki hanggang dumating ang anihan. Sa oras na nang pag-aani ay sasabihin ko sa mga tagapag-ani na, “Unahin ninyong bunutin ang mga damo at bigkisin ang mga ito at inyong sunugin samantalang ang mga trigo naman ay inyong ipunin sa aking kamalig.'””
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Job 39:12Aasahan mo ba siyang dadalhin sa bahay ang iyong butil na titipunin para sa iyong giikan?
Ezekiel 15:4Tingnan mo! Kung ihahagis ito sa apoy bilang panggatong, at kung natupok na ng apoy ang magkabilang dulo nito, pati na ang gitna, may pakinabang pa ba ito?
Matthew 3:12Hawak niya ang kaniyang kalaykay upang linising maigi ang kaniyang giikan at tipunin ang kaniyang trigo sa bahay-imbakan. Ngunit susunugin niya ang mga ipa sa pamamagitan ng apoy na kailanman ay hindi maapula.”
Matthew 22:10At ang mga utusan ay nagtungo sa mga malalaking daan at inipon ang lahat ng mga taong matagpuan nila kapwa mabuti at masama. Kaya't ang bulwagan pangkasalan ay napuno ng mga panauhin.
Matthew 25:32Sa harap niya magtitipon ang lahat ng mga bansa, at pagbubukud-bukurin niya ang mga tao sa isa't isa, katulad ng pastol na hinihiwalay ang tupa at kambing.
Luke 3:17Ang kaniyang kalaykay ay hawak niya sa kaniyang kamay upang linisin nang mabuti ang kaniyang giikan at upang tipunin ang trigo sa kaniyang kamalig. Ngunit susunugin niya ang dayami sa apoy na hindi mamamatay kailanman.”