Matthew 13:44
Ang kaharian ng langit ay tulad sa isang kayamanang nakatago sa bukid. Natagpuan ito ng isang tao at itinago. Sa kaniyang kagalakan ay umalis siya at ibinenta niya lahat ng mayroon siya at binili ang bukid na iyon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Proverbs 16:16Higit na mainam ang pagtamo ng karunungan kaysa ginto. Ang pagtamo ng kaunawaan ay dapat higit na piliin kaysa pilak.
Proverbs 18:1Sinumang ihinihiwalay ang kaniyang sarili ay naghahangad ng sariling kagustuhan at siya ay nakikipagtalo sa lahat ng kaisipang may katuturan.
Isaiah 55:1Lumapit kayo, ang bawat isang nauuhaw, magsiparito kayo sa tubig! At kayo na walang salapi, bumili kayo at kumain! Halikayo, bumili kayo ng alak at gatas na walang pera at walang bayad.
Matthew 13:24Nagkuwento si Jesus ng isa pang talinghaga sa kanila. Sinabi niya, “Ang kaharian ng langit ay tulad ng isang lalaking naghasik ng mabuting binhi sa kaniyang bukid.
Matthew 19:27Sumagot si Pedro at sinabi sa kaniya, “Tingnan mo, iniwan namin ang lahat at sumunod saiyo. Ano ang makakamtan namin?”
Luke 14:33Kaya, hindi maaaring maging alagad ko ang sinuman sa inyo na hindi magsusuko ng lahat ng nasa kaniya.