Matthew 14:19
Pagkatapos ay inutusan ni Jesus ang mga maraming tao na maupo sa damuhan. Kinuha niya ang limang pirasong tinapay at dalawang isda. Habang nakatingala sa langit, binasbasan niya at pinagpira-piraso ang mga tinapay at saka ibinigay sa mga alagad. Ipinamahagi naman ito ng mga alagad sa mga tao.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
18Sinabi ni Jesus, “Dalhin ninyo sa akin ang mga iyan.”
Cross References
1 Samuel 9:13Pagpasok na pagpasok ninyo sa lungsod matatagpuan ninyo siya bago siya umakyat sa mataas na lugar para kumain. Hindi kakain ang mga tao hanggang sa dumating siya dahil babasbasan niya ang alay; pagkatapos kakain ang mga inanyayahan. Ngayon, umakyat na kayo dahil matatagpuan ninyo siya kaagad.”
Matthew 26:26Habang sila'y kumakain, kumuha si Jesus ng tinapay, ipinagpasalamat ito, at pinagputol-putol. Binigay niya ito sa kaniyang mga alagad at sinabi, “Kunin ninyo, kainin ninyo. Ito ay ang aking katawan.”
Mark 6:41Nang kinuha niya ng limang tinapay at dalawang isda, tumingala siya sa langit, pinagpasalamatan at pinagpira-piraso niya ang mga tinapay at ibinigay sa kaniyang mga alagad upang ibigay sa mga tao. At pinaghinati-hati niya ang dalawang isda para sa kanilang lahat.
Mark 8:6Inutusan niyang umupo sa lupa ang mga tao. Kinuha niya ang pitong tinapay, nagpasalamat at hinati-hati ang mga ito. Ibinigay niya ang mga ito sa kaniyang mga alagad upang ipamigay nila, at ipinamigay nila ang mga ito sa mga tao.
Mark 14:22Habang kumakain sila, kinuha ni Jesus ang tinapay, pinagpala at hinati-hati niya ito at ibinigay sa kanila at sinabi, “Kunin ninyo ito. Ito ang aking katawan.”
Luke 9:16Kinuha niya ang limang tinapay at dalawang isda, at habang nakatingin sa langit, pinagpasalamatan niya ang mga ito, at pinagpira-piraso, at ibinigay niya ito sa kaniyang mga alagad upang ipamahagi sa mga tao.